Miyerkules, Enero 16, 2013

It's more fun in the Caloocan City!

Dito kami nakatira sa Caloocan City dahil ang lungsod na ito ay maunlad at tahimik. Marami din ditong matatagpuang mga bangko,kainan,pamilihan at marami pang iba. May mga mall din dito kagaya ng Victory Mall,Puregold at iba pa may mga nagsasabi din na magkakaroon dito ng SM sa monumento na papalit sa Ever Gotesco Mall na kung saan ay nasunog. Simula ng ipinanganak pa ako, dito na nakatira ang aking mga magulang dahil na din siguro sa mga konkretong gusali at sa magandang pamamalakad ng aming mayor na si Enrico "Recom" Echiverri.


Sa aking paninirahan dito, ako ay nasisiyahan dahil walang masyadong gulo ang nangyayari sa aming lugar, natutuwa din ako sa mga tao dito sa Caloocan dahil sila ay mga disiplina. Nagsasagawa din ang aming mayor ng mga proyektong makabubuti sa aming lugar katulad ng paglilinis ng kalapaligiran upang maiwasan na ng lugar namin ang baha. 
 
Matatagpuan sa Monumento ang skalptura ni Andress Bonifacio na ginawa ni Guillermo Tolentino. Kaya ito ginawa dahil dito unang nakipaglaban ang mga katipunero.





Ang isang daang taong Taoist temple, na ginawa ng mga taga-Tsina sa 5th Avenue LRT Station